Top 5 ‘most wanted’ sa Pasig, huli

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturing na Top 5 Most Wanted Person ng Pasig City Police para sa buwan ng Oktubre 2024 sa ikinasang operasyon sa naturang lungsod kamakalawa.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Chad”, 52, biyudo, at residente ng Brgy. Sta. Rosa, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Riverside llugin, Sitio Matanza, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nauna rito, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya’t tinarget ito sa operasyon sa kanyang hideout.

Hindi na nakapalag ang suspek nang silbihan ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ana Teresa Cornejo-Tomacruz, ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 157, nitong Oktubre 15, 2024 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Show comments