^

Metro

Sunog sumiklab sa Maynila: 3 sugatan, 100 bahay tupok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Maynila: 3 sugatan, 100 bahay tupok
Firefighters respond to a fourth alarm fire that hit a residential area at Onyx Street corner Zobel Street in Barangay 775, Sta. Ana, Manila on October 15, 2024.
Photo courtesy of Team Pateros Fire and Rescue Volunteer/FARAR

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang sugatan habang mahigit 300 pamilya ang nawalan ng tahanan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Ana, Manila kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasugatan ang mga mi­yembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sina SFO3 Cristina Carolino, 42, at FO2 Rey Leo­nard Diel, 39, na kapwa dinala sa Sta. Ana Hospital matapos tamaan sa isang bumagsak na istruktura; at ang sibilyan na si Bonmar Suizon, 24, na nasugatan sa kamay.

Batay sa ulat ng Manila BFP, dakong alas-6:06 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tatlong palapag na tahanan sa 2515 Radium St., Sta. Ana, na pagmamay-ari ng isang Lourdes Ico.

Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago naideklarang fire out dakong alas-12:09 ng tanghali.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, mahigit 100 na tahanan ang tinupok ng apoy at mahigit sa 300 pamilya ang naapektuhan. Aabot naman sa P3 milyon ang halaga ng mga ari-ariang napin­sala dahil sa sunog na iniimbestigahan pa ang sanhi at pinagmulan.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with