Intel at crime prevention pinaigting sa Quezon City para sa 2025 elections
MANILA, Philippines — Higit pang pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD) ang intelligence at crime prevention para matamo ang isang maayos at matahimik na halalan sa May 12 midterm election sa susunod na taon.
Sa press conference sa QC Hall sinabi ni Police Capt. Febie Madrid, spokesperson ng QCPD na bukod sa pagdedeploy ng kapulisan sa panahon ng halalan ay naglatag na rin sila ng mga checkpoints sa ibat ibang strategic areas sa Quezon City bilang paghahanda sa darating na halalan.
Anya wala naman silang maituturing na hotspots sa QC may kinalaman sa darating na halalan .
Sinabi ni Madrid na may ugnayan din ang Kapulisan sa mga barangay upang matiyak ang kaayusan ng eleksyon.
Ipinaalala rin nito sa publiko na 24/ 7 na bukas ang Helpline 122 ng QC upang tawagan kung kailangan ng tulong kung may mga untoward incidents sa kanilang lugar para sa kaukulang aksyon ng QC Police.
Dinagdag din nya na bukod sa mga ipapakalat na tauhan sa mga lugar malapit sa polling precints ay may mga foot patrol din sila na magbabantay sa mga bahay na maiiwang walang tao sa panahon ng election laban sa mga kawatan na Akyat Bahay.
Ipinaalala rin nito na sa election period ay ipinatutupad ang gun ban at tanging ang mga may gun ban exemption lamang ang maaaring magdala ng armas sa panahon ng election tulad ng mga pulis. Hindi aplicable dito ang mga may dala lamang na permit to carry firearms.
- Latest