MANILA, Philippines — Malaking dagok na naman ang kakaharapin ng mga motorista ngayong linggong ito dahil sa mahigit P2 na idaragdag sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Batay sa anunsyo ng mga kompanya ng langis partikular ng Shell Philippines, alas-6 ng umaga ngayong martes ay magpapatupad sila ng dagdag P2.65 sa kada litro ng gasolina, P2.60 per liter na taas sa presyo ng kerosene at taas na P2.70 sa kada litro ng diesel.
Sinasabing ang nagdaang isang linggong presyuhan ng mga produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng big-time oil price hike.