Supplier ng illegal drugs, tutukuyin!
EJK walang puwang sa DILG
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na walang puwang sa kanyang pamamahala ang extrajudicial killings (EJK) at kanilang tutukuyin ang mga supplier ng illegal drugs sa bansa.
Ayon may Remulla, walang EJK na patutupad dahil hindi ito ang solusyon sa talamak na bentahan ng illegal drugs sa bansa.
Sa kanyang unang press conference na ginanap sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na ang sinumang nasasangkot sa illegal drugs ay dapat na sumailalim sa imbestigasyon at paglilitis ng korte. Hindi sapat na testimonya lamang ng saksi ang pagbabasehan dahil posibleng sumira ito sa buhay ng isang jndibiduwal.
Tiniyak din ni Remulla na walang sacred cows sa kaso at sinumang mapatutunayang may sala ay dapat na maparusahan at walang special treatment.
“They will be accorded no special treatment. They will be accorded no special privileges. Everyone will face the full consequence of the law and the powers of the PNP and the institutions and the DILG,” ani Remulla.
Dagdag pa ng bagong DILG chief, bagama’t maganda ang record sa mga ‘tulak’, tututukan din nila ang mga supplier ng illegal drugs upang masakote at makasuhan.
- Latest