^

Metro

Koreanong ‘wanted’ sa illicit drug trade, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang South Korean na “wanted” sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa illicit drug trade ang nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), nabatid kahapon.

Ayon sa BI, ang suspek na si Choi Sol, 40, ay naaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros, Manila noong Oktubre 4.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad na nasa BI compound ang dayuhan kaya’t kaagad itong inaresto.

Ayon sa BI, isang Interpol red notice ang ­inisyu laban kay Choi noong 2022 dahil sa kasong paglabag sa Narcotics Control Act na kinaharap sa isang Korean court. ­Inisyuhan din siya ng arrest warrant ng district court sa Cheongju City.

Binawi rin ng Korean government ang pasaporte ng nasabing dayuhan.

Anang BI, nakiki­pagsabwatan si Choi sa ibang suspek sa pag-operate ng Telegram chatroom na ginagamit upang makapagtulak ng ilegal na droga, gaya ng cocaine at hemp cartridges simula noong 2022.

Kasalukuyan nang nakapiit si Choi sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang kanyang deportasyon.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with