^

Metro

Ex-PNP chiefs pagpapaliwanagin sa war-on-drugs

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagpapaliwanagin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga dating hepe ng PNP sa kanilang na­ging papel  sa anti-drug campaign noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagbubunyag ni dating Police Lt. Col. at dating PCSO General Manager Royina Garma sa Quad-Committee Hearing ng Kamara noong isang linggo ang patungkol sa “Davao Model” ng war on drugs.

Ayon kay Marbil, sineseryoso nila ang mga paratang na ito ni Garma at ito na rin ngayon ang tinututukan ng nagpapatuloy nilang imbestigasyon.

Binigyang-diin pa ni Marbil na mahalagang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa mga pulis partikular na sa kampanya kontra iligal na droga kung saan pangunahing prayoridad dito ang karapatang pantao.

Inutos na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang imbestigasyon sa umano’y paggamit ng “Davao model” sa war-on-drugs ng nakaraang administrasyon sa national level.

Sa naging pagdinig ng Quad-Comm noong Biyernes,  idinawit ni Garma si Duterte sa kaliwa’t kanang patayan at isang “high ranking” police official noong panahong iyon ang nag-utos na gayahin ang “Davao City model”.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with