^

Metro

P1.9 milyong pekeng gamot samsam ng NBI raid

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P1.9 milyong pekeng gamot samsam ng NBI raid
Ang kaso ay nag- ugat sa reklamo na natanggap ng NBI-RIZDO mula sa isang law firm na humihiling na imbestigahan ang illicit traders na nag-oope­rate sa Metro Manila na nagbebenta umano ng mga pekeng VICKS Products.
AFP / File

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Rizal District Office (NBI-RIZDO) ang mga pekeng gamot na may halagang P1.9 milyon sa ginawang operasyon sa Tondo, Maynila.

Ang kaso ay nag- ugat sa reklamo na natanggap ng NBI-RIZDO mula sa isang law firm na humihiling na imbestigahan ang illicit traders na nag-oope­rate sa Metro Manila na nagbebenta umano ng mga pekeng VICKS Products.

Kasama ng NBI ang mga operatiba ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) nang magsagawa ng operasyon sa isang gusali sa Tondo, Manila sa bisa ng search warrant na nakuha mula sa korte.

Nakumpiska sa ­operasyon ang iba’t ibang misbranded at tampered Vicks products, mga gamot na Losartan at Amlodipine na may marka na pagmamay ari ng Pasay City LGU gayundin ang ilang prohibited items.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang mga gamot at mga taong nasa likod ng mga pekeng gamot ay sasailalim sa masusing imbestigasyon ng ahensiya upang mapanagot oras na mapatunayang lumabag sa batas.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with