Preso, natagpuang patay sa selda

MANILA, Philippines — Patay na ang isang preso nang matagpuan sa loob ng piitan ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Manila kamakalawa.

Sa ulat ng MPD, ang presong si alyas ‘Ricardo,’ ay nadiskubreng patay ng kanyang kapwa preso sa piitan ng Tondo Police Station 2, dakong alas-5:14 ng hapon.

Una umanong inakala ng mga kapwa preso nito na natutulog lamang si Ricardo.

Gayunman, kalaunan ay napansin nila na hindi na pala ito kumikilos at humihinga.

Kaagad namang isinugod ang nasabing bilanggo nina PStaff Sgt. Erwin Ruiz at PCpl Philip Sarmiento sa Gat Andres Bonifacio Memorial Me­dical Center (GABMMC) pero idineklarang patay na.

Show comments