^

Metro

‘Reward system’ sa EJK, iimbestigahan ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco Marbil na paiimbestigahan niya ang ibinulgar ni dating Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na “reward system” sa mga pulis na makakapatay umano ng drug suspects.

“We will investigate,” ani Marbil pero hindi pa niya tinukoy kung anong unit ng PNP ang magsasagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Marbil, maituturing na mabigat ang ibinunyag ni Garma lalo pa’t mga pulis ang sangkot. Aniya, tungkulin ng mga pulis ang mag-aresto ng mga sangkot sa krimen subalit hindi ang pagpatay na may kapalit na pera.

Sa pagdinig ng House Quad Committee inamin ni Garma, na da­ting nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na inutos ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng war on drugs sa buong bansa tulad ng ginawa nito sa Davao City.

Ani Garma, aabot sa P20,000 hanggang P1 milyon ang reward sa bawat mapapatay na drug suspect sa nagdaang war on drugs.

Si Garma ay iniimbestigahan din sa pagpaslang kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga noong 2020 ng riding- in-tandem sa Mandaluyong City.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with