De Claro, bagong OIC President ng SSS
MANILA, Philippines — Pinalitan na ni Commissioner Robert Joseph M. De Claro ang nagbitiw na Social Security System President Rolando Ledesma Macasaet epektibo October 11 ngayong taon.
Ang pagkakaupo ni De Claro sa puwesto ay batay sa naging desisyon ng Social Security Commission (SSC), ang policy making body ng SSS.
Si De Claro na nagsilbi sa SSC mula January 11, 2023 na nag-represent sa Employers’ Group ang nagbigay daan sa kanya para mapamunuan ang SSS.
Bilang Commissioner, pinamunuan ni De Claro ang IT and Collection and Contribution Committee at kaisa sa key committees na kapapalooban ng audit, risk, investment, at governance.
Ang karanasan ni De Claro sa financial at corporate sectors ang nagdagdag ng tulong para mapili na pamunuan ang SSS.
Si dating SSS president Macasaet ay nagbitiw sa tungkulin para kumandidatong nominee ng SSS GSIS Pensyonado Partylist.
- Latest