Benepisyo ng mga senior ibabalik ni Isko sa Maynila

Former Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso files certificate of candidacy before the Commission on Elections alongside Chi Atienza who is running for vice mayor on October 8, 2024.
The Philippine STAR / Janelle Lorzano

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na ibabalik niya ang benepisyong nakalaan sa mga Manilenyo partikular ang mga para sa senior citizens.

Ayon kay Moreno, nakakalungkot na malaman at makatanggap ng balita na tila nalilimutan ang benepisyo ng mga senior.

Aniya gagawin niyang retro active ang benepisyo ng mga senior dahil ito ay nakalaan sa kanila.

Masakit man sa kanyang kalooban na kalabanin si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na itinuring niyang ka­patid, mas nanaig sa kanya ang kanyang res­ponsibilidad sa Maynila.

Maraming proyekto ang hindi naipagpatuloy na para sana sa taga- Maynila.

Gayunman, sinabi ni Moreno na ang Manilenyo pa rin ang maghuhusga at pagtutuunan lamang niya ay ang paglilinis at pagpapaunlad sa Maynila

Show comments