85 refrigerated drinking fountains ibinahagi sa mga LGUs, paaralan

MANILA, Philippines — Mas pinaigting pa ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang mga programa hinggil sa public health at sanitation sa pama­magitan nang naipagkaloob na 85 refrigerated drinking fountain units sa iba’t ibang local government units (LGUs) at sa mga paaralan sa mga lugar na nasa kanilang concession area ngayong taon.

Ang inisyatibang ito ng Maynilad ay magbibigay daan na maka-access sa ligtas at malinis na inuming tubig ang mamamayan na nasa mga pampublikong lugar at susuporta sa community well-being, hygiene laluna sa mga paaralan at komunidad.

Nagtayo ang Maynilad ng inisyal na 33 drin­king fountains sa public schools sa Quezon City at may dag­dag pang 44 units na takdang ilagay sa mga susunod na buwan.

Nag donate rin ang Maynilad ng mga drinking fountains para sa Caloocan, Valenzuela at Las Piñas LGUs.

Show comments