Negosyante umaray sa panggigipit ng Pasig LGU

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng isang negosyante ang umano’y patuloy na pang­gigipit ng Pasig LGU matapos na hindi siya isyuhan ng business permit hanggang ngayon.

Sa press conference, sinabi ni Engr. Selwyn Lao na ito ang nais niyang maliwanagan mula kay Pasig City Mayor Vico Sotto samantala kumpleto sila sa papeles at legal ang kanilang kompanya.

Ayon kay Lao, nakakalungkot na ang mali umanong sistema ay posibeng magdulot ang pag- alis ng mga negos­yante sa lungsod.

Nilinaw ni Lao na hindi siya nakikipag-away kay Mayor Sotto bagkus ay handa siyang tumulong sa administrasyon.

Nais lamang niyang ipatupad ang nararapat kabilang ang kontruksi­yon ng bagong Pasig City Hall na aabot lamang sa higit P2 bilyon at hindi P9.6 bilyon.

Wala rin aniya katotohanan ang mga alegasyon ni Mayor Sotto sa kanya kung saan ang mga kasong isinampa sa kanya ay dinismiss ng korte.

Show comments