Higit P2 taas-presyo sa petrolyo, lalarga uli
MANILA, Philippines — Pasakit na naman sa mga motorista ang nakaambang malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Nabatid na inaasahang magkakaroon ng higit P2 taas-presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa abiso ng mga kompanya ng langis, aabutin ng mula P2.30 hanggang P2.50 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina samantalang mula P2.50 hanggang P2.70 taas presyo sa kada litro ng diesel.
Tataas din ng mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro sa presyo sa kerosene.
Sinasabing ang big-time oil price hike sa susunod na linggo ay dulot ng tumitinding tensiyon sa Middle East, production cuts at unplanned refinery outages sa Indonesia at Malaysia at ng hagupit ng “Hurricane Milton” sa ilang bahagi ng Amerika.
Ang oil price adjustment ay naipatutupad tuwing araw ng Martes.
- Latest