3 ‘abortionist’ arestado sa entrapment ng PNP!

Sa nakalap na impormasyon, pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng 53 anyos na umano’y sinasabing midwife at dalawang assistant sa pagsasagawa ng abortion.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

P15K bayad sa pagpapalaglag, alok sa Facebook

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong pinaghihinalaang “abortionist” matapos kumasa sa entrapment operation ng Philippine National Police (PNP) sa Bocaue, Bulacan.

Sa nakalap na impormasyon, pansamantalang itinago ang pagkakakilanlan ng 53  anyos na umano’y sinasabing midwife at dalawang assistant sa pagsasagawa ng abortion.

Sa report, nag-ugat ang entrapment matapos mapag-alaman ng PNP- Anti- Cybercrime Group ang alok sa Facebook post ng mga abortionist sa mga nais magpalaglag sa halagang P15,000.

Dahil dito, isang ahente ng PNP-ACG ang nagpanggap na kliyente na isinama ng mga suspek sa kanilang bahay para isagawa ang abortion kaya agad silang inaresto.

Nabatid na target ng mga suspek ang mga kababaihan na ayaw o hindi inaasahan ang pagbubuntis sa halagang nabanggit.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso.

Show comments