^

Metro

Dalagita timbog sa higit P184K droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dalagita timbog sa higit P184K droga
Si alyas “Cristal”, isang Child in Conflict with the Law (CICL) ay nakatakdang iturn-over ng Pasay Police sa Bahay Pag-asa dahil sa pagiging menor-de-edad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 17-anyos na estudyante na nasamsaman ng mahigit P184,000 na halaga ng marijuana at baril sa isinagawang buy-bust operation ng Pasay City Police Station Drug Enforcement Unit, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Si alyas “Cristal”, isang Child in Conflict with the Law (CICL) ay nakatakdang iturn-over ng Pasay Police sa Bahay Pag-asa dahil sa pagiging menor-de-edad.

Sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi ng Oktubre 10 nang arestuhin si Cristal sa Giselle Park, sa Barangay 146, Zone 16, Pasay City, matapos masamsam ang nasa 123. 2 gramo ng marijuana leaves na may street value na P184,800.

Samantala, dalawang lalaki ang dinakip ng CAA-Sub-station ng Las Piñas City Police Station nang ma­tsambahan na may dalang shabu at baril, sa ikinasang Oplan Galugad, sa Brgy. Manuyo Dos, ng nasabing lungsod.

Dakong ala 1:00 ng madaling araw nang makumpiskahan ng 52.98 gramo ng hinihinalang shabu at isang Colt Defender .45 caliber pistol na kargado ng 2 bala.

Inihahanda na ang isasampang reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

ACT

CICL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with