MANILA, Philippines — Apat na kabahayan ang nilamon ng apoy dahil umano sa naiwang nakasinding kandila na sanhi ng pagsiklab ng sunog sa residential area ng Sitio Tramo sa Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite kahapon
Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), biglang sumiklab ang apoy at agad na nilamon ang magkakatabing kabahayan at isang senior ang naiulat na nasugatan.
Sa imbestigasyan, nang dahil umano sa isang kandila na naiwang nakasindi sa isang bahay na walang suplay ng kuryente.
Natumba umano ito at mabilis na kumalat ang apoy.
Limang fire trucks ang nagtulung-tulong na maapula ang pagkalat ng apoy na umabot sa unang alarma.
Pinangambahan din na muntik nang umabot sa kalapit na pabrika na EPZA na pader lamang ang pagitan mula sa mga kabahayan na nasunog.
Ayon sa ulat, isang 74 anyos na lolo ang naitalang nasugatan sa katawan na kasalukuyan namang ligtas na at nasa pagamutan.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nasa Barangay Hall ang ilang pamilyang naapektuhan ng sunog.