Working stude, tinangay na motor, pinatay pa!

Hinabol, niratrat ng 10 bala

MANILA, Philippines — Pinagnakawan na ng motorsiklo, pinagbabaril pa hanggang sa mapatay ang isang working student na food delivery rider at sakristan, ng dalawang kawatan, sa tapat mismo ng kanilang tahanan sa Pasig City, nabatid kahapon.

Sampung tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si alyas “Eugene”, 22, at residente ng Brgy. Sumilang, Pasig City.

Kaagad rin namang nadakip ng mga awto­ridad ang dalawang ‘di pinangalanang suspek, na nagkaka-edad lamang ng 19 at 21-anyos at residente rin ng lungsod.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, madaling araw ng Lunes ay kasalukuyang ipinaparada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lang siyang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril.

Kahit duguan bunga ng mga tama ng bala ng baril sa katawan, nagawa pang makatakbo ang biktima pero hinabol pa rin ng mga suspek at muling pinagbabaril.

Nang bumulagta, agad na tinangay ng mga suspek ang motorsiklo na ginagamit ng biktima sa paghaha­napbuhay bilang “food delivery rider” upang matustusan ang sariling pag-aaral at makatulong din sa pamilya. Nagsisilbi rin ang biktima sa simbahan bilang sacristan.

Narinig ng pamilya ang mga putok at nang alamin ang pinagmulan, nakita nilang nakahandusay at wala nang buhay ang biktima.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay may kahalintulad na ring kaso ng carnapping at attempted homicide. Modus ope­randi umano nilang mang-agaw ng motorsiklo at barilin ang biktima kung manlalaban.

Show comments