Alice Guo, atras na sa kandidatura sa 2025

Alice Leal Guo (L), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, is escorted to a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

Pinakakasuhan na ng Comelec

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na hindi na siya tatakbong mayor sa susunod na taon

 Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equa­lity, tinanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada si Guo tungkol sa ulat na muli nitong pagtakbo bilang mayor ng Bamban.

Sagot ni Guo, na sa ngayon ay hindi na siya tatakbo at haharapin na lamang muna ang mga akusasyon laban sa kanya. Aniya, lilinisin muna niya ang kanyang pangalan para maging “fair” sa kanyang mga constituents.

Samantala, sasampahan na ng Commission on Elections (Comelec) ng kaso sa hukuman si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, bunsod ng umano’y “material misrepresentation” noong 2022 National and Local Elections (NLE).

Batay sa 12-pahinang resolusyon, na ibinahagi ni Chairman George Erwin Garcia sa media, nabatid na ina­prubahan na ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng kanilang Law Department na ihain na ang impormasyon laban kay Guo sa akmang Regional Trial Court (RTC) bunsod ng paglabag sa Omnibus Election Code.

Nag-ugat ang kaso matapos na maghain sa Comelec ng kandidatura sa pagka-alkalde ng Bamban si Guo, at nagpakilalang isang Filipino at nanalo bilang alkalde noong 2022 election.

Malaunan ay napatunayan na si Alice Leal Guo at Guo Hua Ping, na isang Chinese citizen, ay iisang tao lamang matapos na magtugma ang kanilang fingerprints sa NBI.

Anang Comelec Law Department, malinaw sa mga iprinisintang ebidensiya na may sapat na basehan para paniwalaan na may nagawang material misrepresentation si Guo.

Show comments