Trader pumalag sa holdap, todas!

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Ruel Bañas Macasinag, 47, may asawa at residente ng No. 177 Balod St., Congressional Exit, Brgy. Culiat, Quezon City.

MANILA, Philippines — Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga holdaper sa loob ng kanyang tindahan matapos umanong manlaban  kamakalawa ng umaga sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center si Ruel Bañas Macasinag, 47, may asawa at residente ng No. 177 Balod St., Congressional Exit, Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:20 ng umaga nitong Lunes habang nasa loob ng kanyang sari-sari store ang biktima nang dumating ang dalawang armadong suspek sakay ng itim na Honda click motorcycle.

Sa imbestigasyon ni PSSg Lorenz Mappala, bumaba ang backrider at agad na tinutukan ng baril ang biktima saka nagdeklara ng holdap.

Gayunman, nanlaban ang biktima at inagaw ang baril ng suspek ngunit nadulas ito kung kaya dito na siya pinagbabaril.

Nang makitang duguan ang biktima, tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang getaway motorcycle. 

Nakuha ng SOCO team mula sa QCPDFU sa pangunguna ni PCapt. Eric Angay ang limang basyo sa crime scene.

Show comments