^

Metro

67-anyos na dinukot, itinapon sa Cavite, fake!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

‘Insidente gawa-gawa lang’ - Makati Police

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Makati City Police na “walang nakitang katotohanan” sa mga reklamong idinulog ng isang 67-anyos na ginang hinggil sa insidente ng pagdukot sa kaniya sa lungsod at itinapon sa Cavite nang magpanggap siyang patay na, noong Setyembre 17, 2024.

Ayon kay P/Col. Joseph Talento, hepe ng Makati City Police Station, batay sa kanilang isinagawang imbestigasyon, “hindi nangyari” ang nasabing insidente na nailathala pa sa mga pahayagan.

Magugunita sa inisyal na imbestigasyon ng Ge­neral Mariano Alvarez Police sa Cavite na binanggit ng umano’y biktimang si alyas “Nena” na noong Setyembre 17, papunta sana siya sa kanyang kaibigan nang bigla siyang lapitan ng dalawang lalaki. Tinakpan ng tela ang kanyang ilong at nawalan siya ng malay. Ikinulong umano siya sa isang silid, at hindi na idinetalye ang kasunod na pangyayari.

Noong Setyembre 20, isinakay umano si “Nena” ng mga suspek sa isang behikulo matapos magpatay-patayan, at itinapon ang katawan nito na nakatali ang mga kamay at may duct tape sa bibig, sa Barangay F. De Castro sa Cavite, kung saan natagpuan umano siya ng isang guwardiya.

Bandang alas-3:00 ng hapon, dinala ng Cavite Police ang biktima sa Poblacion Sub-station at nagsampa ng reklamong “kidnapping” laban sa kanyang “asawa” pero tumanggi ang ginang na lagdaan ang reklamo nito sa halip nagdahilan na babalik na lamang siya sa ibang pagkakataon upang tapusin ito.

Noong Setyembre 22, itinuloy ng Makati Police ang imbestigasyon sa kaso, at nang puntahan noong Set. 27 ang tirahan ng ginang, sinabi ng security guard na hindi na bumalik doon ang huli simula nang maganap ang sinasabing insidente.

Natuklasan sa mga CCTV footages sa petsa na umano’y pagdukot, makikitang kusang sumakay ang ginang sa isang sasakyan na may kasamang babae at walang nakitang puwersahan. Nakita rin sa sinasabing lugar na pinagtapunan, na bumaba pa ng sasakyan ang ginang at sa hiwalay na footage ay kumakaway at kumukuha pa siya ng ­atensyon sa mga dumaraan.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with