^

Metro

Pagbabakuna vs HPV sa kababaihang estudyante sa Quezon City umarangkada

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City katuwang ang Department of Health (DOH) sa pag-iikot sa mga paaralan sa lungsod para sa School Based Immunization program laban sa Human Papillomavirus (HPV).

Unang nakinabang sa programang ito ang mga babaeng mag-aaral ng Toro Hills Elementary School sa District 1 ­Quezon City.

Sinabi ni District 1 Councilor Charm Ferrer na sa patnubay ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ay higit na paiigtingin ang programang ito sa lahat ng mga paaralan sa anim na distrito sa lungsod.

Aniya, ang HPV vaccination ay maituturing na malaking hakbang para sa kalusugan ng mga kababaihan ng Quezon City dahil pinoprotektahan ng bakunang ito ang mga kabataang babae mula sa mga sakit na dulot ng HPV, tulad ng cervical cancer, na maaaring maging sanhi ng malubhang komplikasyon.

Nanawagan din si Councilor Ferrer sa mga magulang na huwag matakot na pabakunahan nito ang mga anak. Aniya sa loob ng linggong ito, sunud-sunod nilang iikutin ang mga public schools sa lungsod para mabigyang proteksyon ang kalusugan ng mga kababaihan mula sa cervical cancer.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with