^

Metro

‘Kambal-plaka’ gamit ng holdaper sa ride-hailing services — SPD

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Southern Police District (SPD) sa publiko na mag-ingat sa pagsakay mula sa “ride-hailing services” upang makaiwas sa mga masasamang loob tulad ng naranasan ng isang babaeng pasahero na hinoldap ng driver na gumamit ng “kambal-plaka” sa Brgy. San Isidro, Makati City, noong Oktubre 6, 2024.

Ayon sa ulat, ala-1:10 ng madaling araw nang magpa-book sa ride-hailing app ang 24-anyos na babae mula sa Baclaran, Parañaque City hanggang sa Makati City. Habang nasa biyahe, lumihis sa inaasahang ruta ang driver na si alyas “Roland” at inihinto sa isang lugar ang sasakyan bago naglabas ng gunting at nagdeklara ng holdap.

Hindi akalain ng dri­ver na nakabukas ang cellphone ng pasahero kaya naririnig ng boypren nito ang nangyayari na agad inalarma sa pulisya ang plate number na sinakyan ng nobya.

Sa pagresponde ng mga pulis, isang alyas “Jethro” ang unang inaresto na tumugma sa plate number hanggang sa ikanta na niya na kinopya lamang ang kaniyang plaka ni alyas “Roland” na sa huli ay nakumbinsi ring lumutang sa pulisya.

Sa presinto, positibong kinilala ng biktima ang driver na si Roland ang nangholdap sa kaniya, bagama’t hindi na isinulong na kasuhan ang suspek, nilinaw niya na gusto niya lang na maidokumento ang insidente upang magsilbing babala sa publiko hinggil sa modus-ope­randi ng suspek na may “kambal-plaka”.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with