Taas-presyo sa diesel, kerosene larga na
MANILA, Philippines — May taas-presyo ang produktong diesel at kerosene mula ngayong Martes habang wala namang pagbabago sa presyo ng produktong gasolina.
Ayon sa abiso ng mga kompanyang Shell Philippines at Seaoil, ganap na alas-6 ngayong umaga ngayong araw ipatutuapd ang taas presyo na P1.20 kada litro ng kanilang produktong diesel samantalang may taas namang 70 centavos per liter sa presyo ng kerosene. Wala naman umanong pagbabago ang presyo ng kanilang produktong gasolina.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na presyuhan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price adjustment. Wala namang abiso ang ibang kompanya ng langis kung mayroon ding silang taas presyo sa naturang mga produktong petrolyo.
- Latest