Senator Cynthia Villar tatakbong kongresista sa Las Piñas

Senator Cynthia Villar, joined by her family including former senator Manny Villar, senatorial aspirant Camille Villar, and incumbent Senator Mark Villar, files her certificate of candidacy for a Congressional seat in Las Piñas at the Comelec-NCR office in San Juan City on October 7, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Matapos ang huling termino sa Senado sa 2025, target naman ngayon ni Senator Cynthia Villar na bumalik sa pagiging kinatawan ng Las Piñas City sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nitong Lunes, naghain si Sen. Villar ng kanyang certificate of candidacy (COC) na nais ituloy ang serbisyo bilang kongresista ng nag-iisang distrito ng Las Piñas.

Siya ay sinamahan ng kanyang asawang si da­ting Senate President Manny at mga anak na sina outgoing Las Piñas Rep. Camille Villar at Senator Mark Villar.

Si Rep. Camille ay nauna nang naghain ng COC para sa pagka-senador sa ilalim ng Nacionalista Party (NP).

“End term na ako sa Senate sa 2025 and I thought that in Congress, I can continue my advocacy sa agriculture and environment. And at the same time, I can help my constituents sa kanilang more livelihood projects, infrastructure, housing, and environmental protection especially flooding,” ani Sen. Cynthia.

Makakalaban ng senadora sa pagka-kongresista si incumbent Las Piñas City Councilor Mark Anthony Santos at ang mga baguhang aspirante.

Show comments