^

Metro

4 large-scale manufacturers ng yosi ni-raid ng BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkakasunod na ni-raid ng mga elemento ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang apat na malalaking manufacturers ng mga unlicensed cigarettes sa Clark, Pampanga.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lu­magui, ang hakbang ay nagresulta ng pagkadiskubre sa may higit P8-bilyong tax liability ng mga manufacturers ng naturang mga sigarilyo.

Sa pagsalakay, natagpuan din ng BIR ang mga unregistered machines na gamit sa paggawa ng sigarilyo.

“The BIR will continue to strengthen its efforts against illicit cigarette trade, wherever it is located. This P8-billion raid in Clark, Pampanga shows that the BIR targets even large-scale manufacturers of illicit cigarettes, not just small-scale dealers or smugglers. The BIR supports the call of President Bongbong Marcos to eradicate illicit tobacco trade. The BIR will do its share to protect the livelihood of legitimate tobacco farmers,”dagdag ni  Commissioner Lumagui .

Una rito, nagsagawa ng raid ang BIR sa mga warehouse sa Caloocan at Quezon City laban sa  illicit tobacco trade at hindi pagbabayad ng P838 milyong buwis, habang nakumpiska rin ang libong vape sa nagdaang Philippine Vape Festival 2024  dulot din ng hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga may-ari nito.

BIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with