MANILA, Philippines — Bitbit ang pangakong gagawin ang Pasig na isang Smart City, naghain na si Sarah Discaya ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) matapos dumalo sa isang special mass kasama ang pamilya at makipag-usap sa kanyang supporters, kahapon.
Si Discaya, kilala rin sa Pasig bilang “Ate Sarah”, ay isang negosyante na palagiang binibisita ang low-income at underprivileged na mga komunidad sa lungsod para sa kanyang regular charity works.
Ang kanyang longtime medical mission at pamamahagi ng lahat ng uri ng tulong sa mga nangangailangang Pasigueños, na karamihan ay mahihirap, ang nag-udyok sa maraming sectoral organizations na kumbinsihin siyang pumasok sa politika sa pamamagitan ng pagsali sa 2025 mayoralty race.
“With hard-earned experiences in our established businesses, we have much to contribute in transforming Pasig into a Smart City, where technology and data are being optimized to improve the life of the Pasigueños,” sabi ni Discaya.
Binanggit niya ang tahanan para sa marginal renters at informal settlers sa Pasig bilang isa sa kanyang pangunahing agenda at magiging pamana sa sandaling maging homeowners ang mga ito.
Bilang kandidato sa pagkaalkde, ang plataporma ni Sarah, na ang team ay binubuo ng mga abogado at kilalang personalidad at local leaders, ay pangunahing naka-pokus sa Smart healthcare o technology-driven programs, de kalidad na education program sa Smart schools, ligtas at protektadong neighborhood kung saan magagamit ng local law enforcers ang teknolohiya at datos sa pangangalaga sa peace and order, at infrastructure projects na higit na kinakailangan ng Pasigueños, tulad ng multi-level parking buildings upang mapaluwag ang trapiko sa mga kalsada.