MANILA, Philippines — Bigo ang mga raliyista na pinangunahan ng grupo ng mga guro na makapasok sa Mendiola nang harangin ng mga pulis, sa bahagi ng CM Recto, tapat ng San Sebastian St., sa Maynila, kasabay ng pagdidiriwang ng National Teacher’s Day, kahapon.
Nabatid na nagtipun-tipon sa España bago nagmartsa patungong Mendiola ang mga gurong nag-aalsa nang hindi sila palusutin ng barikada ng mga pulis na pawang may kalasag.
Sa ulat ng Manila Police District-Barbosa Police Station, nagsimulang magprograma ang mga raliyista alas-2:00 ng hapon at nagtapos pagsapit ng alas-3:24 ng hapon sa CM Recto, tapat ng KFC sa panulukan ng San Sebastian St.
Ang mga raliyista ay kinabibilangan ng mga grupong MPSTA ACT NCR Union, UP Alliance workers at Arpak na pinangunahan ng mga lider na sina Lisa Masa, Vladumir Qetua at Ruby Bernendo, na tinatayang nasa 200 ang lumahok.
Panawagan nila ay ang “Salary Increase Now”, “Sweldo Itaas, Presyo Ibaba”, pagbasura sa EO 64 (Updating The Salary Schedule For Civilian Government. Perso nnel And Authorizing The Grant Of An Additional. Allowance, And For Other Purposes), Ibasura Ang UP-AFP Declaration of Cooperation, Itaguyod Ang Karapatan sa pag-uunyon, Itaguyod Ang Kalayaang Akademiko, Ibigay Ang mga Benepisyo ng mga Guro at Kawani, Itigil Ang mga take sa mga guro at paaralan, Sahod sa Pribado, Ipantay sa Publiko, Ipaglaban Ang Makabayan Siyentipiko at Maka Masang- Edukasyon, at “Sahod, Edukasyon, Karapatan, Kasarinlan, Ipaglaban”.