^

Metro

Klase sa Maynila suspendido ngayong Biyernes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Maynila suspendido ngayong Biyernes
This July 2020 photo shows Manila City Hall.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng klase sa lahat ng public daycare cen­ters, elementary, at high school levels sa lungsod, gayundin sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM) ngayong Biyernes, Oktubre 4.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National at World Teachers’ Day.

Nabatid na nilagdaan ni Lacuna ang Executive Order No. 33 kahapon upang kilalanin ang efforts ng public school teachers sa lungsod at pagkalooban sila ng wellness day.

Hiniling na lamang ng alkalde sa mga guro na magbigay ng activity sheets o modules para sa intended lesson sa nasabing araw.

Nabatid na hindi naman sakop ng kautusan ang mga pribadong paaralan, ngunit hinikayat ang mga ito na bigyan din ng kahalintulad na parangal ang kanilang mga guro.

“The mayor also encouraged private schools, colleges, and universities, as well as state colleges and universities in Manila to give the same honor to their faculty,” anang Manila PIO sa isang kalatas.

vuukle comment

WORLD TEACHERS’ DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with