^

Metro

3 timbog sa P128K droga sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 timbog sa P128K droga sa Makati
Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang “tulak” kabilang ang isang ‘Tokhang’ surrenderee ang nalambat ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit at ng Olympia Police Sub-station sa isinagawang buy-bust operation matapos masamsam ang shabu, cannabis oil-infused vapes at marijuana fruiting tops, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang mga suspek na sina alyas “RJ”, 35 taong gulang;  alyas “Egay” , 51, tokhang surrenderee noong 2016; at alyas “Ejay”, 25. 

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Bernard Yang, dakong alas-9:05 ng gabi ng Oktubre 2 nang maganap ang operasyon sa Barangay Tejeros, Makati City.

 Unang nagpanggap na buyer ang isa sa mga operatiba na nakabili ng P4,500 halaga ng pinatuyong marijuana fruiting tops na ginamitan ng genuine at boodle money bago salakayin ng mga operatiba. 

Narekober ang 5.5 gramo ng shabu, 61 gramo pinatuyong marijuana frui­ting tops, at 6 na dispo­sable vape na naglalaman marijuana/cannabis oil, na may kabuuang halagang P128,900 bukod pa sa mga ebidensyang weig­hing scale, 2-cellphone na ginamit sa transaksyon at transpa­rent jar na pinaglagyan ng mga iligal na droga.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with