Mag-asawa ‘guilty’ sa panggagahasa sa sariling anak
Hatol pinagtibay ng Supreme Court
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng mababang hukuman na nagsasaad na guilty ang isang mag-asawa sa salang panggagahasa sa sariling anak na dalagita.
Sa 14-pahinang desisyon, ibinasura rin ng Supreme Court (SC) Second Division ang apela ng mga magulang ng 14-anyos na biktima at sa halip ay pinagtibay ang hatol sa kanilang hatol na reclusion perpetua o hanggang 40 toang pagkabilanggo nang walang eligibility ng parole.
Inatasan din sila ng hukuman na magbayad sa biktima ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 moral damages, at P100,000 exemplary damages, na lahat ay may interest rate na 6% per annum mula sa petsa kung kailan naisapinal ang desisyon hanggang sa tuluyan itong mabayaran.
Sa desisyon ng SC, iginiit nito na ang “incestuous rape” ay hindi isang simpleng criminal offense na madaling i-fabricate, partikular na anila sa nasabing kaso kung saan ang dalawang magulang mismo ang akusado.
“The humiliation of a trial and life-long stigmatization will surely take a toll on the victim and her family,” dagdag pa ng hukuman.
Nabatid na nagsabwatan ang mga akusado upang gahasain ang sariling anak pero kapwa nila itinanggi ang akusasyon.
Unang nagdesisyon ang mababang hukuman pabor sa biktima, sanhi upang iapela ito sa Court of Appeals (CA). Pinagtibay naman ng CA ang nasabing desisyon kaya’t iniapela pa rin ng mag-asawa sa Mataas na Hukuman na huling naglabas ng pinal na desisyon.
- Latest