Caloocan Mayor Along, Cong. Oca naghain ng COC

Sina (mula kaliwa) Caloocan 1st District Cong. Oscar Malapitan, City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, at Vice Mayor Karina Teh-Limsico matapos na maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) kahapon para sa 2025 mid-term election.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ikalawang araw ng ­filing ng Certificate of Candidacy (COC), pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si incumbent Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa Commission on Election (Comelec) sa SM Grand Central, kahapon.

Alas-10:15 ng umaga nang dumating si Malapitan kasama ang misis at amang si Congressman Oca Malapitan.

Bago magtungo sa Commission on Elections (Comelec), nagsimba muna sa San Roque Cathedral si Mayor Along kasabay ng pagdiriwang ng 1st Wednesday ng Mother of Perpetual Help.

Dumaan sa proseso ng filing ng COC si Mayor Along kabilang ang checking, evaluation, verification, encoding at recording. Ayon kay Ma­yor Along magkahalong tuwa at saya ang kanyang naramdaman matapos na pormal nang maihain ang kanyang COC.

Aniya, suporta ng mga Batang Kankaloo ang pinagkukunan niya ng lakas at inspirasyon upang mas lalo pang ipagpatuloy ang kanyang pamumuno sa lungsod.

Kasama ni Mayor Along na naghain ng kandidatura si Vice Mayor Karina Teh at mga konsehal mula sa tatlong distrito ng Caloocan.

Samantala, alas-2:45 ng hapon nang maghain din ng kanyang COC para sa kanyang reelection bid si 1st District Rep. Oca Malapitan sa San Juan City.

Show comments