MANILA, Philippines — Limang empleyado ng isang credit management company at towing service ang inaresto ng pulisya nang hatakin ang sasakyan ng isang lalaki na pinaniniwalaang may utang, nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Floyd”, 26-anyos, collection agent; alyas “Napoleon”, collection agent; alyas “Jefferson”, 27, collection agent, alyas “Jeric”, 27, helper; at alyas “Jaime”, 55, driver.
Dakong alas-8:22 ng gabi ng Setyembre 30, 2024, bandang 8:22 PM, isang sasakyan ang puwersahang kinuha sa Barangay Talon Tres, Las Piñas City.
Humingi ng saklolo sa pulisya ang complainant na si alyas “Angelo”, 42, nang pwersahang kunin sa kaniyang bahay ng grupo ang isang Suzuki Alto na pag-aari niya.
Nang respondehan ay hiningan ng dokumento ang grupo sa kanilang towing operation subalit bigong magprisinta ang anumang papel kaya sila dinakip at itinurn-over sa Anti-Carnapping Section (ANCAR) ng Las Las Piñas City Police Station ala-1:00 ng madaling araw ng Oktubre 1.
Nakarekober ang puting Suzuki Alto at isang puting utility vehicle na ginamit na bilang tow truck.