Senator Nancy-Monsour tandem sasabak sa Makati

Senator Nancy Binay and her running mate Monsour del Rosario file their certificates of candidacy (COC) for mayor and vice mayor of Makati, respectively, on October 1, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinakaunang naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa pagka-alkalde sa lungsod ng Makati si outgoing Senator Nancy Binay, kahapon. 

Layunin umano ni Sen. Nancy Binay na humalili sa kapatid na si incumbent Mayor Abby Binay, na may basbas ng kaniyang amang si dating Bise-Presidente Jejomar Binay.

 Kasama ni Binay sa paghahain ng COC ang running-mate na si dating Makati Representative Monsour del Rosario sa pagka-bise alkalde, sa Commission on Elections (Comelec) office, sa Barangay Valenzuela Community Complex, Makati City, pasado alas-10:00 ng umaga. Dumating din para sumuporta ang kapatid na si Jun-jun Binay.

 Nang tanungin ng media kung ano ang meron siya, na wala sa makatutunggali niya sa inaasam na posisyon, sinabing ang track record niya sa 12 taon bilang senador na unang pinasok ang pulitika at naluklok noong 2013 at re-elected noong 2019. Siya ay kasalukuyang chairman ng Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking.

Show comments