Pasig City Hall of Justice, binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines — Nabalot ng tensiyon ang Pasig City Hall of Justice dahil sa isang bomb threat, na nagresulta sa paglilikas sa mga empleyado at kliyente nito kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-8:45 ng umaga nang matanggap ng building officials ang bantang pambobomba sa gusali, sa pamamagitan ng email.

Nakasaad umano sa email na dakong alas-9:00 ng umaga ay pasasabugin ang gusali kaya’t kinailangang ilikas ang mga taong nasa loob nito. Nagresulta rin ito upang matigil ang lahat ng pagdinig at mga transaksiyon sa Hall of Justice.

Kaagad rin namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) K9 at matapos ang masusing paghahalughog ay idineklara na ring ligtas ang gusali.

Pinayagan na ring makabalik sa loob ng gusali ang mga empleyado at mga taong may transaksiyon doon.

Show comments