^

Metro

Comelec inaprub extension ng voter registration sa mga lugar na apektado ni ‘Julian’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Comelec inaprub extension ng voter registration sa mga lugar na apektado ni �Julian�
Dinagsa sa huling araw ng voter’s registration ng Commission on Elections (Comelec) ang Brgy Hall ng Batasan Hills sa Quezon City para sa 2025 midterm elections.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga regional offices sa Northern Luzon, na apektado ng bagyong Julian, na palawigin ang deadline ng voter registration sa kanilang lugar.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na dapat sana ay magtatapos na ang panahon ng rehistruhan para sa 2025 National and Local Elections (NLE) kahapon, Set­yembre 30, at wala na silang planong palawigin pa ito.

Gayunman, nagpasya aniya silang i-extend ang deadline sa ilang lugar, partikular na sa Northern Luzon na binabayo ng bagyong Julian.

“Kaya binigyan namin ng authority ang aming regional offices doon. Nasa kanilang discretion kung ‘di ­ipagpapatuloy ngayong araw na ito ang registration of voters upang ito ay ma-i-reset sa ibang araw,” aniya.

Kaugnay nito, inianunsiyo na rin ni Garcia na pormal nang magsisimula ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 NLE ngayong Martes, Oktubre 1 at nakatakda itong magtapos sa Oktubre 8.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with