Turn over ng SPD chief dinaluhan ng PNPA Class ‘95

MANILA, Philippines — Isinagawa kahapon ang pagsasalin ng pamumuno kay Southern Police District (SPD) Director PBrig. General Bernard Yang, mula kay PBrig. General Leon Victor Rosete sa SPD headquarters sa Lawton Avenue, Taguig City.

Ang okasyon ay pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMajor Jose Melencio Nartarez Jr., na dinaluhan din ng iba pang matataas na opisyal ng NCPO, SPD Command Group, police station commander, mga kinatawan mula sa local government units, at district directors mula sa Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), at Manila Police District (MPD).

Naging kapansin-pansin ang pagdalo ng mga miyembro ng PNPA Class 1995 Patnubay.

Nagpasalamat si Rosete para sa suportang natanggap sa panahon ng kanyang panunungkulan, siya ay uupo na ngayon bilang Acting Regional Director ng PRO 11.

Ang seremonyang ito ay minarkahan hindi lamang ng pagbabago sa pamumuno ngunit naglalaman din ng pangako sa kahusayan, pag-unlad, at matatag na paglilingkod sa bansa.

Sa pag-upo ng mga kilalang pinunong ito sa kanilang mga posisyon, inaasahan ng SPD ang isang mu­ling siglang pangako sa misyon nitong pangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino sa Southern Metro Manila.

Show comments