Vendor itinumba sa Quiapo

Kinilala ang biktima sa alyas na “Ester”, 50-anyos, residente ng Oscaris St,, Quiapo, Maynila.

MANILA, Philippines — Patay ang babaeng vendor matapos barilin ng isang lalaking sakay ng motorsiklo, sa Quiapo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima sa alyas na “Ester”, 50-anyos, residente ng Oscaris St,, Quiapo, Maynila.

Sa sketchy report ng Barbosa Police Station (14) ng Manila Police District (MPD), dakong alas 2:15 ng hapon nang maganap ang krimen sa bangketa, tapat ng BDO-Quinta market branch na matatagpuan sa C. Palanca St., panulukan ng Quezon Blvd.northbound.

Inilarawan naman ang ‘di pa tukoy na gunman na sakay nagmamaneho ng motorsiklo, nakasuot ng half-face helment at long sleeve.

Ayon sa ulat, isang lalaking witness ang nagsabi na habang nakaupo sa isang monobloc hair ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan ang biktima.

Nang humandusay ang biktima ay tumama pa sa nakaparadang motorsiklo na tumagilid.

Humarurot naman patakas ang suspek sa direksyon ng Q. Blvd. northbound.

May mga nakitang bakas ng dugo sa suot na puting t-shirt sa tapat ng kanang balikat at umaagos naman ang dugo sa ulo sa biktimang wala ng buhay.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section at SOCO.

Kumakalap na rin ng CCTV footages ang MPD na nakahagip sa mga pangyayari para sa ikadarakip ng suspek.

Show comments