Taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad uli ngayon

Motorists queue at a gasoline station in Quezon City on July 7, 2024.

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw ng Martes ay ipatutupad ng mga kumpanya ng langis ang pagtataas muli ng presyo ng mga produktong petrolyo, makaraan ang may dalawang linggong oil price rollback.

Sa anunsyo ng Shell Pilipinas, Seaoil, Caltex  Petro Gazz at PTT Phi­lippines, na mula alas- 6 ng umaga ngayong martes ay magtataas sila ng P1.10 sa kada litro ng gasolina, 20 centavos kada litro sa presyo ng diesel. Wala namang pagbabago sa presyo ng kerosene.

Mula naman alas-4:01 ng hapon ngayong martes ay magpapatupad ng oil price hike ang Cleanfuel na may P1.10 kada litro sa gasolina at 20 centavos din sa diesel.

Sinasabing ang pagbawas ng US Federal Reserve sa interest rate ang naging ugat ng pagtaas ng demand ng langis na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong pet­rolyo.

Show comments