^

Metro

May-ari ng 2 barko, 25 crew kinasuhan sa ‘paihi’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng 2 barko, 25 crew kinasuhan sa �paihi�
Sa affidavit, sinampahan ng kaso ng BOC ang mga crew, operators, at may-ari ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee dahil sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), National Internal Revenue Code (NIRC), at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law). May 9 na crew ang MT Tritrust at may 16 crew ang MT Mega Ensoleillee, nang sila ay mahuli habang may lulan umanong smuggled fuel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naghain na ang Bureau of Customs (BOC) ng opisyal na reklamo laban sa may-ari at mga tripulante ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee, na una nang nahuli sa Navotas Fish Port na sangkot sa “paihi” o ilegal na paglilipat ng unmarked fuel.

Sa affidavit, sinampahan ng kaso ng BOC ang mga crew, operators, at may-ari ng MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee dahil sa paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), National Internal Revenue Code (NIRC), at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law). May 9 na crew ang MT Tritrust at may 16 crew ang MT Mega Ensoleillee, nang sila ay mahuli habang may lulan umanong smuggled fuel.

Ang Inquest Proceedings ay isinagawa sa Office of the City Prosecutor, Navotas City noong Setyembre 21, 2024.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni BOC Commissioner Bien Rubio ang pangangailangan ng mabilisang aksiyon laban sa mga fuel smugglers upang mapigilan ang mga pagtatangka pa sa hinaharap.

Batay sa affidavit, ang mga tripulante ng naturang dalawang barko ay nahuli sa aktong nagpupuslit ng unmarked fuel matapos magkaroon ng failed result ang isinagawang fuel marking testing ng Enforcement Group-Fuel Marking Agents sa mga diesel fuel na lulan ng dalawang barko.

Sinabi naman ni BOC-Customs Intelligence and Investigation Services (BOC-CIIS) Director Verne Enciso na base sa diesel fuel inventory ng dalawang barko, ang MT Tritrust ay naglalaman ng humigit-kumulang sa 320,463 litro.  Ang MT Mega Ensoleillee ay mayroon namang 39,884 litro.

Ang total value ng langis at dalawang fuel tankers na nadiskubre ng BOC ay nagkakahalaga ng P715,350,000.

Sinabi pa sa affidavit na tinanong ng BOC team, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Aduana, ang mga crew kung ano ang kanilang ginagawa sa area ng Navotas Fish Port, sinagot ito ng kapitan at sinabing binilinan sila ng may-ari ng barko na manatili sa lugar para sa bunkering. Gayunman, nang hingian ng bunkering permits, inamin ng mga kapitan na wala sila nito.

Batay sa registration documents na iprinisinta ng dalawang barko, lumilitaw na ang Megapower Petroleum at Shipping Corporation ang nagma-may-ari sa MT Tritrust at MT Mega Ensoleillee.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with