^

Metro

Road rage sa Pasay, 3 Chinese at Pinoy arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Road rage sa Pasay, 3 Chinese at Pinoy arestado
Police examine the two vehicles involved in a road rage incident that escalated into an exchange of gunfire at the corner of Sen. Gil Puyat Avenue and Roxas Boulevard in Pasay City yesterday.
Photo courtesy of SPD

MANILA, Philippines — Nauwi sa barilan ang nangyaring gitgitan ng dalawang sasakyan na may lulang mga dayuhan lalaking Chinese Sabado ng madaling araw sa Pasay City.

Batay sa ulat ng pulisya, binangga ng isang Honda Odessy an likuran bahagi ng naka­gitgitan BMW sa kanto ng Roxas Blvd at Buendia Avenue dakong alas-3 ng madaling araw na dahilan para magbarilan ang magkabilang panig.

Nakatawag pansin sa mga tauhan ng Pasay Police Sub-Staion 1 ang insidente kaya’t tumawag sila ng SWAT team na nagresulta sa pagkakadakip kina  alyas Zha at alyas Wang at driver na si alyas “Reden” na residente ng Taguig City.

Nakatakas naman ang dalawa pang dayuhan subalit iniulat na nadakip ang isa sa kanila sa bahagi ng Tambo, Parañaque City matapos puwersahang tangayin ang isang e-bake na minamaneho ni alyas “William”.

Sinabi sa pulisya ni William na pinara siya ng Chinese looking sa Macapagal Avenue at tinutukan ng baril sa mukha at puwersahang tinangay ang kanyang e-bike.

Kabilang naman sa mga nakumpiska sa mga suspek ang dalawang kalibre .9mm pistol na may 16 na bala sa magazine, Airsoft M4 na kalibre na may magazine, dalawang patalim, cellphone at ilang personal na gamit habang nakuha sa lugar ng barilan ang walong basyo ng kalibre .9mm, limang bala, dalawang metal jacket at isang depormadong bala.

Hinahanap pa ng pulisya ang isa pang nakatakas na dayuhan habang wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring barilan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with