^

Metro

Pampasaherong sasakyan, lalagyan na ng speed limiter

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pampasaherong sasakyan, lalagyan na ng speed limiter
Vehicles crawl along EDSA in Cubao, Quezon City.
Joven Cagande / File photo

MANILA, Philippines — Isinasapinal na ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng batas hinggil sa paglalagay ng speed limiter sa lahat ng pampasaherong sasakyan sa bansa.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza ang Republic Act 10916, o ang  Road Speed Limiter Act ay dapat noon pang taong 2016 ito naipatupad.

“The full implementation of this law is long overdue. We have to do something now for the interest and protection of all road users,” sabi ni  Mendoza.

Binigyang diin ni Mendoza na magpapatupad sila ng guidelines hinggil sa paglalagay ng kaukulang speed limiters sa lalung madaling panahon upang matiyak ang ligtas na paglalakbay ng mga commu­ters at maiangat ang standards ng public transportation safety sa bansa.

Batay sa data ng  World Health Organization, nasa  1.3 milyong katao ang namamatay sa aksidente sa lansangan habang nasa 20 mil­yon hanggang 50 mil­yon ang nasusugatan. Ang  road traffic injuries umano ang pangunahing ugat ng kamatayan ng mara­ming kabataan na may edad 5 taon hanggang 29 taong gulang.

Batay sa UN data, sa Pilipinas, nasa ave­rage na 32 katao ang namamatay kada araw dulot ng aksidente sa lansangan.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with