^

Metro

Higit P2 milyong shabu nasamsam sa HVI sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit P2 milyong shabu nasamsam sa HVI sa Taguig
Sa ulat na isinumite kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., dakong alas-12:50 ng madaling araw ng Setyembre 19 nang madakip si alyas Ro­ger, sa Brgy. New Lo­wer Bicutan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasamsam sa isang high value indivi­dual (HVI) ang mahigit P2-milyong halaga ng shabu, sa isinagawang buy-bust operation, sa Taguig City, kamaka­lawa.

Kinilala ang inaresto na si alyas “Roger”, 56-anyos, tubong Cebu City at residente ng Maguindanao St., Barangay New Lower Bicutan, Taguig.

Sa ulat na isinumite kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, P/Major General Jose Melencio Nartatez Jr., dakong alas-12:50 ng madaling araw ng Setyembre 19 nang madakip si alyas Ro­ger, sa Brgy. New Lo­wer Bicutan.

Ikinasa ang operasyon sa pangunguna ni P/Captain Kenny Khamar Khayad, hepe ng Taguig City Police Station-Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkasamsam sa gramo ng shabu na katumbas ng P2,244,000.00 standard drug qrice.

Narekober din sa suspek ang ginamit na buy-bust money na binubuo ng isang genuine P1,000 bill kasama ang 39 na piraso ng P1,000 boodle money, isang itim na handbag na naglalaman ng digital wighing scale..

Inihahanda na ni P/Staff Sgt. Alexander Dalisay ang isasampang reklamong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

HVI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with