MANILA, Philippines — Makaraang patikimin ang mga motorista ng dalawang linggong oil price rollback, sa susunod na linggo ay raratsada naman ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis, aabutin ng mula 40 centavos hanggang 90 centavos ang itataas sa kada litro ng gasolina, aabutin naman ng 40 centavos ang taas sa kada litro ng diesel at 20 centavos ang taas presyo ng kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang pagbawas sa interest rate sa US Federal Reserve na nagdulot ng pagtaas ng demand ang naging ugat nang magaganap na oil price hike sa susunod na linggo.
Tuwing martes ipinatutupad ang oil price adjustment.