Actor na si Ricardo Cepeda nakalaya na
MANILA, Philippines — Matapos ang halos isang taong pagkakakulong, nakalaya na ang aktor na si Ricardo Cepeda nang magpiyansa sa kasong estafa.
Batay sa social media post ng aktres na si Marina Benipayo at misis ng aktor, makikita ang pagsasayaw nila ni Cepeda sa kantang “Don’t Be Cruel” ni Elvis Presley.
Labis ang saya ni Benipayo nang makapiling ang asawa na 11 buwang nalayo sa kanila.
Nagpahatid din si Benipayo ng pasasalamat sa mga nagpaabot ng dasal sa kanila.
Matatandaang Oktubre 2023 nang maaresto ang actor sa Caloocan City dahil sa reklamong estafa.
Ikinulong ang actor sa Cagayan Provincial Jail sa lungsod ng Tuguegarao City sa Cagayan.
Paliwanag ng actor na endorser lamang siya ng produkto ay hindi siya direktang konektado kaya nagtataka ito kung bakit siya nadawit.
Nagpadala naman ng pagbati ang ilang mga showbiz personalities ang social media post ni Benipayo.
- Latest