^

Metro

Pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener napagkalooban na ng tulong ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener napagkalooban na ng tulong ng DSWD
This photo shows personnel from the Phillippine Coast Guard rescuing an elderly man in Rizal due to flooding caused by heavy rains brought by Tropical Cyclone Ferdie on Sept. 14, 2024.
PDRRMO Samarica Sub-Office/ Released via Facebook

MANILA, Philippines — Bilang tugon sa magkasunod na pananalasa ng bagyong Ferdie at Gener na pinalakas ng habagat, napagkalooban na ng  tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga apektadong pamilya sa Cagayan Valley na nagkakaha­laga ng higit P265,000.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, nagkaloob na ang Field Office 2 - Cagayan Valley ng kabuuang 375 na kahon ng family food packs (FFPs) sa mga pamil­yang naapektuhan ng magkasunod na kala­midad sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Sa bilang na ito, 300 family food packs ang naipamahagi sa mga pamilya sa Bambang at 15 family food pack sa Ambaguio sa Nueva Vizcaya.

Bukod dito, nakapagbigay rin ang Field Office 2 ng agarang tulong sa apat na pamilya mula sa Sto. Nino, Cagayan, walong pamilya sa Palanan, Isabela at 48 na pamilya sa Cabarroguis, Quirino.

Tiniyak ni Dumlao na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para pagkalooban pa ng ka­ragdagang tulong ang mga nanga­ngailangan.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with