^

Metro

Dagdag na pondo mula sa international partners kailangan ng DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghahanap ang Department of Agriculture (DA) ng karagdagang pondo mula sa mga international development partners upang matugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr.  kinikilala ng DA ang limitadong resources ng gobyerno upang magsagawa ng mga pangunahing proyekto tulad ng mga dau­ngan, kalsada , tulay, at irigasyon na kailangan upang ga­wing moderno ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Kabilang sa mga iminungkahing proyekto ng DA ay ang pagpapaunlad ng farm-to-market roads at mga tulay sa pakikipagtulungan sa French Government, at ang isang proyekto sa ilalim ng Program for Results ng World Bank upang magbigay ng karagdagang pondo para mapabilis ang mga inisyatibo ng DA.

Binigyang-diin din ni Sec. Tiu Laurel ang pakikipagtulungan ng DA sa National Irrigation Administration sa pagsusulong ng Philippine Solar-Powered Irrigation Project na may mala­king tulong upang mapalakas ang ani, at mapabuti ang kabuuang kalagayan ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas.  

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with