MANILA, Philippines — Pormal nang binuksañ sa Lungsod ng Malabon kahapon ng umaga ang ilang bagong pumping station at flood control facilities.
Pinangunahan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pagpapasinaya sa mga pumping station na kinabibilangan ng Brgy. Tañong at Sto. Rosario II Pumping Station na nasa Brgy. Baritan.
Bukod dito, ibinida rin ni Sandoval ang rehabilitasyon ng ilan sa Drainage at Flood Control Facilities sa Malabon.
Ayon sa LGU, layon nilang matugunan ang problema ng pagbaha sa lungsod.
Ang makabagong pumping station ay mas mabilis, mas matibay, at kayang mag-operate nang tuluy-tuloy sa loob ng anim na oras, kumpara sa lumang sistema na limitado sa tatlong oras ng operasyon.
Samantala, ang rehabilitasyon ng drainage at flood control facilities ay magbibigay naman ng mas episyenteng daloy ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at maprotektahan ang kaligtasan ng buong komunidad.