Police Captain , misis pinasok sa bahay, pinagbabaril patay

Kinilala ang mga nasawi na sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, Mary Grace Ramirez Ma­ngonday, 40, na isang negosyante.
STAR/File

12-anyos na anak sugatan

MANILA, Philippines — Trahedya ang sinapit ng isang police captain at misis nitong negosyante na kap pulis na kapwa nasawi habang malubhang nasugatan ng kanilang menor-de- edad na anak nang pasukin ang bahay at pagbabarilin sila ng ‘di pa tukoy na salarin, sa Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng mada­ling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, Mary Grace Ramirez Ma­ngonday, 40, na isang negosyante.

Kasalukuyang ginagamot pa sa ospital ang anak nilang si alyas “Shasmeen”, 12-anyos.

Sa inisyal na ulat mula sa Muntinlupa City Police Station, naganap ang insidente ala-1:10 ng madaling araw, sa Tierra Villas, L&B 2 Ilaya St., Alabang.

Lumalabas na isa lang ang suspek na inilarawang nasa 5’9 ang taas, nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon, mahaba ang buhok, na armado ng baril.

Sa imbestigasyon, naidlip sa sofa bed ng kanilang sala si Capt. Ma­ngonday sa ikalawang palapag nang pasukin ng suspek at binaril sa ulo, kasunod ay pinasok naman ang bedroom ng mag-asawa kung saan nandon  Mary Grace na pinagbabaril din sa din ulo.

Dahil sa narinig na magkakasunod na putok ay lumabas ng kaniyang kuwarto si Shasmeen na nakakita sa suspek na binaril din ng suspek

Batay din sa ulat, hindi nai-lock ang pintuan ng bahay kaya napasok umano ng suspek.

Dadalhin ang mga bangkay sa Blue Mosque, Maharlika Village, sa Taguig City para sa tradisyunal na paglilibing bilang Islam.

Nabatid na si Capt. Mangonday ay kasalukuyang nasa schooling ng Investigation Officers Basic Course(IOBC) na malapit na sanang matapos.

Bumuo na si P/Colonel Robert Domingo ng tracker teams na mag-iimbestiga at posibleng pag-aresto sa matutukoy na suspek.

Show comments